Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2026

Paglaya - tanaga-baybayin

Imahe
bigla akong natuwa nang sila'y mapalaya tibak na laging handa daanan man ng sigwa - gbj/03.01.2026 tanaga-baybayin

Sugatan man ang pusò - tanaga baybayin

Imahe
sugatan man ang pusò at laging nagdurugô ang mundo kong gumuhò sisikaping mabuô - tanaga baybayin gbj/02.19.2026

Panagutin ang buktot

Imahe
panagutin ang buktot ituwid ang baluktot ikulong na't managot ang lahat ng kurakot - tanaga-baybayin gbj/02.13.2026  (7th Black Friday Protest ng 2026)

Ang tula'y aking tulay - tanaga-baybayin

Imahe
ang tula'y aking tulay sa bayan at sa búhay kapwa aping kalakbay ay tutulaang tunay - tanaga-baybayin gbj/02.12.2026

Wala sa toreng garing

Imahe
wala sa toreng garing kaming makatang taring ngunit sana'y magningning ngayong Buwan ng Sining - tanaga baybayin gbj/02.07.2026